Imbestigasyon sa ‘P100/signature-petition’ para sa Cha Cha, ipinanawagan

Tinawag na “unethical” at “illegal” ni Senador Jinggoy Estrada ang ginawang pagbibigay ng ilang mayor ng P100 sa mga pipirma sa kanilang munisipalidad ng petisyon tungkol sa paggamit ng modang people’s initiative para sa Charter Change (Cha Cha).

Ayon kay Estrada, malinaw na nagpapakita ito ng paglabag sa batas at pagpapahina sa demokratikong prosesong mayroon ang bansa.

Dagdag pa niya, ang ‘people’s initiative’ ay isang karapatan sa konstitusyon na dapat ay malayang ginagawa at walang pamimilit.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa gobyerno na magkaroon ng imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng “sinister move” na ito at panagutin ito sa batas.

Maalala, ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, pinatawag ang kanyang mga mayor sa probinsya noong January 5 upang bigyan ng mga papel na dapat pirmahan ng kanilang nasasakupan at kasabay nito ay inabutan din umano ang mga ito ng mobilization funds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *