Imbestigasyon sa sunod-sunod na bomb threat, gugugol ng mahabang – PNP

Hindi itinanggi ng Philippine National Police na pahirapan ang pagresolba sa sunod-sunod na bomb threat kamakailan na nagresulta sa suspensyon ng trabaho at klase.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo , patuloy ang koorinasyon nila sa Department of Information and Communication Technology para sa imbestigasyon at aminado silang gugugol ito ng mahabang oras

Paliwanag ni Fajardo, mahirap kalaban ang walang pangalan at walang mukha o nasa likod lang ng computer .

Digital evidence din aniya ang pinag uusapan dito.

Isa pa aniya sa malaking problema ay kung applicable ba ang batas ng Pilipinas kung sa labas ng bansa nagmula at doon ginawa ng dayuhan ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *