Imbestigasyon sa umano’y koneksyon ng matataas na lider sa ‘DDS’, inihahanda na

Binabalangkas pa ang resoluyon para imbestigahan ang kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay ACT-Teachers Party List Representative France Castro, sinabi nitong ito ay kaugnay pa rin sa isiniwalat ni dating police officer Arturo Lascañas na sangkot umano si Duterte sa tokhang sa Davao.

Ani Castro, nababahala sila na may ganitong alegasyong ibinabato mismo sa namumuno ng Kagarawan ng Edukasyon.

Giit ni Castro, paano mapoprotektahan ng kalihim ang nasa 28 milyong mag-aaral kung may ganitong alegasyon laban sa kanya.

Sa huli, mariing sinabi ng mambabatas na lubhang nakababahala na may ganitong klaseng mga issue ang isa sa mga lider ng pamahalaan.

Bago ito, una nang itinanggi sa pamamagitan ng isang video message ni VP Duterte ang mga alegasyon ng self-confessed DDS member na si Lascañas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *