Impact ng pagkakapanalo ng 433 mananaya hindi pa matiyak ng PCSO Camarines Sur

NAGA CITY- Hindi pa matiyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO- Camarines Sur kung ano ang magiging impact sa kanila ng pagkakapanalo ng 433 mananaya sa 6/55 lotto kung saan paghahati-hatian nila ang P236 million.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Provincial Manager Jobet Ramos, aniya kung noon ay dumaragdag ang mananaya ngayon hindi nila matiyak dahil negatibo ang dating sa publiko ng maraming nanalo. Kung dumarami ang mananaya lumalaki ang pondo ng PCSO para sa charity at mas marami ang natutulungan.

Samantala pabor naman si Ramos na magkaroon ng imbestigasyon sa Senado upang malinawan ang publiko sa pamamaraan ng draw at kung paano nangyaring hindi lang isa o dalawa kundi 433 ang tumama sa number combination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *