Top Stories

Implementasyon ng SIM Card Registration Act – lalarga na simula bukas

Simula bukas ay magiging epektibo na ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Card Registration Act.

Sa pulong balitaan ngayong hapon – pinaalalahanan ng National Telecommunications Commission (NTC) at ng Department of Information Communications and Technology (DICT) ang publiko na kinakailangang ipa-register ang lahat ng mga SIM cards, prepaid man, ‘o postpaid.

Sa ilalim ng batas, bibigyan lamang ng anim na buwan ang mga existing subscribers na makapagpatala ng kanilang mga numero bago ito tuluyang ma-deactivate.

Inaasahang aabot sa 160 million SIMs ang kailangang mapa-register sa tanggapan.

Ayon sa DICT, magsisilbi na muna bilang ‘test registration’ ang unang dalawang linggo ng period para rito.

Ibig sabihin – bagamat ‘valid’ na ang mga SIM cards na ipinatala sa Gobyerno, asahan pa rin umano ang ilang mga ‘minor errors’ habang pina-fine tune pa nila ang sistema.

Samantala, ang mga ibebentang SIM naman ay magiging otomatikong deactivated na maliban na lamang kung ipapa-register na ito.

Inatasan naman ng NTC ang mga telcos na magkaroon ng sari-sarili nilang social media campaigns at iba pang information drives para sa kanilang mga users.


Pangamba ng publiko sa bagong batas, pinawi ng DOJ

Tiniyak ng Department of Justice at ng iba pang mga telco companies na ligtas ang data ng mga users sa oras na ipa-register na nila ang kanilang SIM cards.

Sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na ang mga impormasyon mula sa mga SIM users ay ligtas at hindi magagamit sa ‘state surveillance’.

Idiniin ni Remulla na ang collection ng mga datos ng mga telcos ay daraan sa mahigpit na oversight at monitoring para matiyak na ‘safeguarded’ ang personal data ng mga Pilipino.

Tiniyak naman ng tatlong major telcos ang kahandaan nila para sa implementasyon ng batas.

Inisa-isa ng Globe at ng DITO ang mga hakbang para sa madaling pagpapa-register ng kanilang mga users.

Kabilang na rito ang personal na pagpunta sa kanilang mga physical stores para magpa-assist sa registration.

Para sa SMART, handa na rin daw ang kanilang registration platform para sa mga prepaid users; pero inabisuhan ang mga postpaid users na antayin na muna ang message mula sa kanila.

Tiniyak ng tatlong telcos na handa silang makipagtulungan para mabilis na makamit ang target na 180 days, ‘o anim na buwan, para sa SIM card registration ng milyun-milyong nilang mga users.

Handa rin umano ang mga telcos na mag-‘incentivize’ ng mga users na magpapa-register ng kanilang SIMS kasama na ang ilang free data sa oras na ipatala na nila ang kanilang numero.

Senador Grace Poe, pinaalalahanan ang mga telcos at ang NTC na tiyaking madali lamang ang proseso ng SIM Card registration

Muling pinaalalahanan ni Senador Grace Poe ang National Telecommunications Commission (NTC) lalo na ang mga telcos na tiyaking madali at mabilis lamang ang proseso nito.

Ayon kay Poe na siyang principal author at sponsor ng SIM Registration Law, dapat maging kasing-simple ng pagte-text ang gagawing pagreregister ng ating mga kababayan sa kanilang mga SIM card.

Aniya, kailangang mayroong user-friendly na portal para sa pagpaparehistro ng SIM Card nang sa gayon ay hindi magkaaberya o hindi mahirapan ang mga mobile users.

Binigyang diin niya na kailangang sa registration pa lamang ay maipakita na ang full potential ng naturang batas at mangyayari aniya ito sa pamamagitan ng epektibong implementasyon.

Samantala, kaugnay sa pagsisimula ng SIM Card registration, nagbabala naman si Senador Sherwin Gatchalian sa publiko sa panibagong nadiskubreng GCash scam.

Aniya, ipinaglaban nilang mga mambabatas ang naturang batas sa nakalipas na maraming taon dahil iisa ang kanilang hangarin, ito ay upang protektahan ang mga gumagamit ng SIM laban sa panloloko ng mga cyber criminals.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago