Top Stories

Nasawi sa Shear Line, umakyat na sa anim; 19, missing

Umakyat na sa anim ang kumpirmadong bilang ng mga buhay na binabawi ng pananalasa ng Shear Line sa malaking bahagi ng bansa.

Sa 11am report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat sa mga fatalities ang nagmula sa Misamis Occidental sa Northern Mindanao; at dalawa naman ang nagmula sa Camarines Sur sa Bicol Region.

19 naman ang bilang ng mga nawawala – sampu rito ay mula sa Bicol; anim sa Eastern Visayas; at tatlo sa Northern Mindanao.

Sa kabuoan, mayroong 100,691 indibidwal o katumbas ng 23,762 mga pamilya ang naapektuhan ng pagbaha, at pag-ulang dulot ng Shear Line mula sa mga rehyon ng MIMAROPA, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga, at Northern Mindanao.

Sa naturang bilang – 44,672 inindibidwal o 9,216 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.

Tatlo naman ang bilang ng mga kumpirmadong nasugatan.

Una nang iniulat ang limang missing kahapon sa Northern Samar; isa sa Leyte; habang nadagdagn naman ang tatlong missings mula sa Misamis Occidental.

Sa kabuoan – umakyat na sa 73 na mga barangay mula sa Limang Lalawigan sa Region 10 o Northern Mindanao ang apektado ng Shear Line.

Kabilang sa mga nakaranas ng pagbaha sa rehyon ay ang mga Lalawigan ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Bukidnon, at Lanao del Norte.

Aabot naman sa 8,585 na mga pamilya o katumbas ng 40,426 na mga indibidwal ang nananatili sa 58 mga evacuation centers.

Apekdato rin ang Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Gingoog under state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang Lungsod ng Gingoog sa Misamis Occidental dahil sa walang humpay na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at mga landslides.

Ayon kay Gingoog City Mayor Eric Cañosa – mula pa noong Biyernes ng gabi ay wala raw hinto ang nararanasan nilang mga pag-ulan.

Umabot na aniya sa mahigit 30,000 na mga pamilya ang apektado habang sa 8,600 na mga pamilya na ang isinaillaim sa preemptive evacuation.

Sa ngayon, tuluy-tuloy umano ang validation sa isang batang nalunod dahil sa pagbaha.

Samantala, sa bayan naman ng Clarin sa kaparehong Lalawigan – iniulat ni MDRRMO chief Carmelito Haray na nagpapatuloy na rin ang pag-verify nila sa dalawang casualties mula sa kanilang munisipalidad.

Hindi pa rin daw ma-retrieve ang isang 17-anyos na missing dahil sa mga baha.

Nanawagan din ito ng karagdagang augmentation mula sa national agencies dahil sa ngayon aniya ay marami pa ring mga barangay ang lubog sa baha.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago