Ina ng isang batang may Cerebral Palsy, nanawagan ng tulong

CAMARINES SUR- Muling kumakatok sa may mga mabubuting puso ang isang ina sa Pili, Camarines Sur dahil sa kasalukuyang kondisyon ng kanyang anak na may cerebral palsy at ngayon ay dapat nang operahan para maalis ang plema.

Kinilala ang ina na si Emma Angeles at ang kanyang anak na si Lars Axel Angeles. Kuwento ni Emma sa Brigada News FM Naga, in born ang pagkakaroon ng cerebral palsy ni Lars. Ngayon, inirekomenda ng pulmonologist nito na operahan ang bata sa trachea o ang tubong nakakonekta sa baga upang maalis ang plema nito. 

Nagkaplema ang bata dahil na rin sa gtube na nakalagay sa kanya kung saan pinapadaan ang pagkain at inumin. Lakas loob na lumapit si Emma sa BNFM Naga para humingi ng tulong sa publiko, umaasa na marinig ang panalangin nito na madugtungan pa ang buhay ng anak.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *