Ina sa Cebu – arestado matapos ibenta online ang malalaswang videos ng anak

Nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso ang isang ginang matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Central Visays sa Pinamungahan, Cebu matapos umanong ibenta ang explicit photos at videos ng kanyang mga anak sa mga foreign online customers.

Ang hindi pinangalanang ginang ay may edad na 31 anyos, kinilala bilang umano’y high-volume producer at seller ng child pornography.

Na-rescue naman ng NBI ang tatllong mga menor de edad kasama ang kanyang dalawang anak na may edad na walo at 12 taong gulang kasama na ang 15 anyos na pamangkin ng kanyang live in partner kung saan pawang mga babae ang biktima.

Ikinasa ng NBI ang kanilang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa otoridad ng Amerika kung saan nagpapanggap na costumer ang isang agent ng US Homeland Security at hiningdan ito ng P2,000 na gagamitin umano sa pagbayad ng electric bill kapalit ng video ng kanyang anak na babaye na hubad na naliligo.

Maliban nito, gumagawa rin umano ang suspek ng live show sa kanyang sarili para sa mga dayuhang kliyente.

Nasamsam ng otoridad ang mga sex toys, mga cellphone, resibo ng money changer at Wifi connectivity kung saan, ang mga menor de edad ay nasa pangangalaga na ng DSWD-7.

Ang ginang ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 (Child Pornography); Anti-online sexual abuse or Exploitation of Children and Anti Child Sexual Abuse o Exploitation Material Act; RA 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012 at RA 7610 o mas kilala bilang Special Protection of Children Against Abuse Exploitation and Discrimination Act in relation to Sec .6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *