MNWD inabisuhan ang iba pang water districts sa Camarines Sur na tulungan silang pangalagaan ang kani-kanilang protected area sa Mt. Isarog

NAGA CITY – May anim na water districts sa Camarines Sur, kabilang na ang Metropolitan Naga Water Districts ang dapat magtulungan para patuloy na pangalagaan ang protected area sa Mt. Isarog na pinagkukunan ng tubig-inumin, lalo na ngayong may pinangangambahang El NiÑo sa darating na mga buwan.

Ang mga bayan na may water districts ay ang Pili, Calabanga, Bombon, Baao at Bato na ayon kay MNWD General Manager Florencio Tam Mongoso Jr. ay organisado na para sa pagbibigay ng malinis na tubig at mayoriya sa mga ito ay sa Bukid-Isarog ang water source.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Mongoso, sinabi nitong sila lamang ang pinapayagan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na magsagawa ng aktibidad sa naturang bundok na may kaugnayan sa tubig.

May pag-uusap na rin silang ginawa para sa pagpapatupad ng mga programang ito na benepisyaryo ay ang kanilang kanya-kanyang consumers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *