Inagurasyon ng Davao City bulk water supply project, pinangunahan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga ang inagurasyon ng Davao city bulk water supply project sa barangay Gumalang.

Ang Davao city bulk water supply ay ang pinakamalaking water treatment sa buong bansa na gumagamit ng renewable energy, mula sa sarili nitong hydroelectric powerplant.

Kaya nitong mag deliver ng 300 million liters ng tubig sa mahigit isang milyong kabahayan sa Davao city kada araw.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na supply ng malinis na tubig, para sa magandang pamumuhay at ekonomiya.

Gayundin ang pagpapabuti sa water security ng bansa.
Kaugnay nito muling inatasan ni Pangulong Marcos ang mga concerned agencies na madaliin na ang pagtatapos sa lahat ng mga water projects sa buong bansa.

Ang Davao city bulk water projects ay isang PPP o public-private partnership program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *