Inagurasyon ng mga proyekto sa Zamboanga, pinangunahan ni PBBM

Nasa Zamboanga Sibugay ngayon si Pangulong Bongbong Marcos, matapos nitong pangunahan ang inagurasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP) partikular sa bayan ng Alicia.

May total road length na 69 kilometers ang naturang proyekto, na kinabibilangan din ng labing isang mga tulay.

Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, idinisenyo ang mga kalsada na resilient sa climate change, sa pamamagitan ng mga slope protection at pinabuting drainage structures.

Inaasahang palalakasin ng IGCMRSP ang pag lago ng ekonomiya sa Zamboanga Sibugay at Western Mindanao, dahil mababawasan na nito ang travel time at makakapag bigay ng maaliwalas na byahe sa mga residente.

Samantala kasama naman ng Pangulo sa naturang event si DPWH Secretary Manuel Bonoan, Asian Development Bank Country Director Pavit Ramachandran at Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *