Incumbent Vice Mayor ng Batuan, Masbate na akusado sa pagpatay sa dating Bise Alkalde naaresto sa islang barangay ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Naaresto sa islang barangay ng Quinapagian sa bayan ng Mercedes Camarines Norte ang incumbent Vice Mayor ng Batuan, Masbate na si Nelson Refermoso Cambaya, 58 anyos, residente ng Purok 2, Barangay Danao sa naturang bayan at lalawigan.

Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office naaresto si Cambaya dakong alas 5, Huwebes ng hapon dahil sa pagkikipagtulungan ng Barangay Intelligence Network (BIN) kaya ito natunton.

Si Cambaya na akusado sa pagpatay kay dating Batuan Vice Mayor Charlie Yuson III ay nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

Kung maalala Oktubre 2019 nang pagbabarilin patay si Yuson ng mga armadong kalalakihan sakay ng isang van sa Sampaloc, Maynila

Sugatan din sa pamamaril ang dalawa pa nitong kasama na nag-aalmusal sa tapat ng isang bahay sa nabanggit na lugar.

Maliban kay Cambaya na nakakulong na ngayon sa Mercedes MPS, akusado rin sa pagpatay kay Yuson si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam, anak na si Marco Martin Cam at apat na iba pa.

Ayon kay CNPPO Provincial Director PCOL Julius Guadamor ang buong hanay ng kapulisan sa lalawigan ay patuloy na magsasagawa ng manhunt operations upang mapanagot ang mga taong nagtatago at nagkasala sa batas.

Dagdag pa nito na hindi papayagan ng kapulisan ang sinumang nagkasala sa batas na gawing kanlungan ang lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *