Independent investigation, inilunsad ng CHR sa pagkamatay ng 14-anyos na estudyante sa Antipolo City

Naglunsad ng independent investigation ang Commission on Human Rights kaugnay ng pagkamatay ng 14-anyos na estudyante sa Antipolo City.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR , binigyan-diin nila ang kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng mga bata.

Si Francis Jay Gumikib, isang grade 5 student mula sa Peñafrancia Elementary School, ay na-coma at kalaunan ay namatay ilang araw matapos umano siyang sampalin ng kanyang guro.

Batay sa death certificate ni Gumikib , namatay siya dahil sa global brain edema, na may naunang sanhi ng acute intraparenchymal hemorrhage o pagdurugo sa tissue ng utak.

Nauna nang sinabi ng Department of Education (DepEd) Schools Division Office (SDO) na bumuo na sila ang fact-finding investigation team para imbestigahan ang pagkamatay ni Gumikib.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *