India, hihigpitan ang paggamit ng sasakyan dahil sa air pollution

Hihigpitan ng bansang India ang paggamit ng mga pribadong sasakyan sa loob ng isang linggo dahil sa lumalalang usok o polusyon sa hangin.

Nababalot ng matingkad na ulap ang New Delhi at ang pangunahing sinisisi ng mga tao doon ay ang pagsunog ng pinaggapasan ng mga magsasaka sa mga karatig na estadong agraryo.

Dahil dito, daan-daang libong Indians ang napapaaga ang kanilang pagkamatay bawat taon.

Una nang nagsuspinde ng face to face classes ang mga pangunahing paaralan sa nasabing bansa at magsasagawa na lamang ng online classes.

PHOTO COURTESY: Narinder Nanu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *