India, naitala ang pinakamataas nitong daily vaccination count na aabot sa 7.8-million

Naitala ng India ang pinakamataas nitong daily vaccination count nitong Lunes kasabay ng pagbubukas nito ng libreng vaccination shots para sa lahat ng adults.

Bumagal kamakailan ang vaccination drive ng naturang bansa sa mga nakalipas na buwan dahil sa shortage ng bakuna at sa vaccine hesistancy.

Ito ay kahit nilalabanan ng bansa ang surge ng mga kaso noong Abril at Mayo na naka-overwhelm sa healthcare system nito sa maraming lugar.

Naiulat ng health ministry na umabot sa 7.8-million shots ang na-administer noong Lunes, na mas higit kumpara sa 3-million shots nitong mga nakaraang linggo.

Sa tweet ni Prime Minister Narendra Modi na record-breaking ang kanilang vaccination numbers at labis nila itong kinatutuwa.

Iginiit ni Modie na ang bakuna ay ang nanatiling pinakamabisang sandata sa laban kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *