Indian firm, interesadong mag invest sa Philippine airport, energy at road project

Nagpahayag ng interes na mamuhunan sa bansa ang Indian firm na GMR Group.

Sa isang courtesy call sa sideline ng 10th Asian Summit sa Singapore, nagkausap sina Pangulong Bongbong Marcos at GMR top executive Srinivas Bommidala.

Sinabi ni Brommidala na willing silang mag invest sa Philippine Airport, energy at road project.

Isa sa kanilang target ay ang pagpapabuti sa Sangley airport katuwang ang kanilang local partner na Cavitex Holdings, nakikita raw kasi ng GMR ang potential ng Sangley airport para maresolba ang airport congestion sa bansa.

Bukod sa interes ng GMR sa Sangley airport project, isa rin ang naturang kompanya sa 5 potential bidders para sa P170.6-billion NAIA Public-Private Partnership (PPP) project.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *