Sports

Indian Premier League suspendido dahil sa COVID-19 crisis

Suspendido ang Indian Premier League dahil sa nararanang COVID-19 crisis sa India.

Ayon sa mga organizers, bagamat hangad sana nila na mapalaganap ang positivity at magbigay ng kasiyahan sa mga tao, mas pinili nilang suspendehin ang liga para makasama muna ng lahat ang kanilang mga mahal sa buhay sa panahon na matinding krisis ang kinakaharap ng kanilang bansa.

Hindi naman tiyak ng mga organizers kung kailan ibabalik ang liga.

Matatandaan na dahil sa mabilis na pag-angat ng bilang ng infections, nalampasan na ng India ang 20-million mark ng kabuuang infections.

Una nang itinuloy ng mga organizers ang liga sa kabila ng pag-atras ng ilang high-profile players at panawagan ng pagpapaliban.

Napag-alamang nag-o-operate ang IPL sa ilalim ng mahigpit na bubbles habang required na magsuot ng head-to-toe Personal Protective Equipment ang mga manlalaro sa tuwing lilipat sila ng venue. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

12 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

12 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago