Indibidwal na sangkot sa pagpapakalat ng pekeng dolyar, arestado sa Angeles city

Inaresto ng National Bureau of Investigation o NBI-Special Action Unit ang apat na katao matapos mag tangkang mag papalit ng mga pekeng US Dollar Bills sa isang money changer sa Angeles City.

Kinilala ni NBI Officer In Charge Director Eric Distor ang mga suspect na sina Joelyn Castro, Virgilio Yalung, Zenia Andres at Marilyn Lucero.

Sa report ng NBI, nakatanggap umano sila ng tip sa galaw ng grupo mula sa isang impormante kaya agad na nag sagawa ng operation ang mga otoridad.

Isinailalim sa surveillance sina Castro at Yalung at nang magtangka ang mga ito na ipapalit ang mga hawak na pekeng mga dolyar, inaresto na ito ng mga otoridad.

Nakuha mula sa mga suspek ang 78 pirasong pekeng 100 US Dollar bills.

Matapos nito, dito na ikinanta ng dalawang unang naaresto na mula ang mga pekeng dolyar kina Andres at Lucero na nasa Anupol Bamban, Tarlac.

Agad nag kasa ng follow up operation ang mga otoridad laban sa dalawa pang suspect at nang maaresto nakuha pa mula sa kanila ang dalawang bundle ng pekeng one thousand Philippine Peso bill.

Posibleng maharap ngayon ang apat sa patong patong na kaso.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *