Indigation rally laban sa CPP-NPA, nilahukan ng ibat-ibang grupo sa Albay

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng indignation rally sa Peñaranda Park, Legazpi City laban sa CPP-NPA para sa ika-54 na taong anibersaryo, kung saan, ito ay nilahukan ng iba’t ibang grupo o inter-agency sa lalawigan ng Albay.

Naroon din sa aktibidad ang Muslim Community, Pastoral Mission Ministry, Our Lady of Fatima Church, Albay Police Provincial, Philippine Army, Sk Chairman at Legazpi City Police Station.

Ayon sa Philippine Army, tinututulan ng mga ito ang mga ginagawang karahasan, pananakot o pagpatay ng mga New People’s Army (NPA) sa mga kasundaluhan, kapulisan at ilang civilian na nadadamay.

Kailangan matuldukan o tapusin na ang problema ng bansa laban sa NPA upang makamit ang tunay na kapayapaan, katahimikan at mapaunlad na rin ang bansa.

Hinihikayat pa rin ang rebeldeng grupo na magbalik-loob sa gobyerno upang makasama na ang kanilang mga pamilya, at huwag nang hintayin pa na muling magkasagupa ang mga ito at mayroong masasawi na teroristang grupo dahil lamang sa kanilang maling ipinaglalaban na idelohiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *