Indonesia, iimbestigahan ang isang airline matapos mahuling natutulog ang 2 piloto

Iimbestigahan ng transport ministry ng Indonesia ang local airline na Batik Air matapos matagpuan ang dalawang piloto nitong natutulog sa kanilang flight.

Nagresulta kasi ito sa mga navigation errors sa Airbus A320, na sakay sakay ang 153 pasahero at apat na flight attendants.

Nanawagan naman sa mga airline ng Indonesia si air transport director-general M. Kristi Endah Murni, na bigyang-pansin ang oras ng pahinga ng kanilang air crew.

Depensa naman ng Batik Air na may sapat silang rest policy at patuloy silang nakatuon sa pagpapatupad ng safety recommendations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *