Indonesia police, pinaulanan ng tear gas, water cannon ang mga protesters

Nagdeploy ang Indonesian police ng tear gas at water cannon laban sa libo-libong mga estudyante na nagpo-protesta laban sa pagpapalawig pa sa presidential term limit, matapos na lumabas ang mga ulat hinggil sa posibleng pagbabago ng konstitusyon ng bansa.

Nabatid na ang susunod na halalan sa Southeast Asian country at sa 2024 pa, at si President Joko Widodo ay hindi na eligible na tumakbo matapos na magpatupad ang Indonesia nga two-term limit sa kanilang mga lider.

Pero mungkahi ng ilang senior ministers at political parties noong nakaraang buwan na huwag munang magsagawa ng halalan at amyendahan ang konstitusyon para payagan ang mga presidente na magsilbi ng mahigit dalawang termino.

Dahil dito, nagtipon-tipon ang nasa 2,000 university students sa harap ng House of Representatives building, at tinututulan ang naturang mga hakbang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *