Indonesian President Widodo – sinalubong ng protesta ng mga kaanak ni Mary Jane Veloso

Nagtipun-tipon ang iba’t ibang mga grupo, kasama ang mga kaanak ng OFW na si Mary Jane Veloso sa Mendiola.

Ito’y para muling ipanawagan kay outgoing Indonesian President Joko Widodo ang kalayaan ng Pinay na matatandaaang nakapila pa rin sa death row.

Apela ng kaniyang mga kaanak – pagbigyan na ni Widodo ang hiling ng Gobyerno ng Pilipinas na clemency para sa kalayaan nito.

Maaalalang 2010 nang isalang si Veloso sa death row dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ngayong araw din, January 10, ang ika-39 na kaarawan ni Veloso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *