Inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte noong Abril nanatili sa 4. 2 %

CAMARINES NORTE – Nanatili sa 4. 2 % ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte noong Abril pareho noong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) mas mabagal ito kumpara sa 7. 9 % sa kaparehong panahon noong isang taon pero mas mabilis sa unang dalawang buwan ng 2024.

Ang pangunahing nag ambag pa rin sa inflation ay ang Alcoholic Beverages and Tobacco, clothing and footwear, food and non- alcoholic beverages at restaurant and accommodation services.

Napako rin sa 3. 7 % ang inflation sa pangkalahatan sa Bicol tulad noong Abril.

Pumangatlo ang Camarines Norte sa may pinakamabilis na inflation sa Bicol Region.

Pinakamabilis naman ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Catanduanes sa antas na 5. 3 % at Masbate sa 5. 2 %, habang pikamabagal pa rin ang inflation sa Sorsogon. Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas malaki ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *