Inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bumagal pa sa 5. 2 % noong Nobyembre, pinakamataas na inflation sa Bicol naitala sa Masbate

CAMARINES NORTE – Bumagal pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Nobyembre.

Ito na rin ang pinakamabang inflation rate simula Enero nitong taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumagal pa sa antas na 5. 2 % ang inflation sa lalawigan kumpara sa 6.7 % noong Oktubre.

Sa kabila nito pangalawa pa rin ang Camarines Norte sa may pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa rehiyon.

Kapag mataas ang inflation nangangahulugan ito na  lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ng mga consumer para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

Ang pinaka nag ambag pa rin sa mataas na inflation ay ang mahal na Restaurants and accommodation services, pagkain, alcoholic beverages kasama na ang Recreation, Sports and Culture pati na ang clothing and footwear.

Naitala naman sa Masbate ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa antas na 5. 3 % mula sa 4. 8 % noong Oktubre. Pinakamabagal pa rin ang inflation sa Sorsogon sa 3. 1 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *