Inflation, posibleng bumaba sa 4.5-5% sa Abril – BSP

Nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang inflation sa 4.2 percent hanggang 5 percent range para sa buwan ng Abril, o mas mataas parin sa target band ng gobyerno.

Ayon sa BSP, ang mababang presyo ng domestic petroleum at iba pang key food items gaya ng mga prutas at gulay dahil sa improved supply ang posibleng maghila pababa ng inflation.

Samantala, ang adjustments naman sa Meralco rates, at mataas na presyo ng karne, isda at bigas, ay maaaring magtulak pataas sa consumer prices.

Sa gitna nito, patuloy na babantayan ng BSP ang evolving economic at financial conditions para matiyak na mananatiling consistent ang monetary policy stance sa price stability mandate ng Bangko Sentral.

Matatandaan na bahagyang lumuwag ang inflation noong Marso sa 4.5 percent mula sa 4.7 percent noong Pebrero, sa kabila ng pagtaas ng presyo sa mga pagkain dahil sa mababang suplay ng pork meat na dulot ng African Swine Fever.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *