Inflation rate ng bansa, bumagal sa 3.9% noong huling buwan ng 2023

Bumagal pa sa 3.9% ang inflation rate ng bansa noong December 2023.

Sa press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, na mas mababa ito sa 4.1% inflation rate na naitala noong buwan ng Nobyembre.

Ito aniya ang pinakamabagal na inflation print  sa 2023 at pinakamababa rin mula noong February 2022.

Pasok rin ito sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas  na nasa 3.6% hanggang 4.4%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *