Inflation rate ng bansa nitong Enero – naitala sa record-low na 2.8%

Bumagal pa ang inflation rate ng bansa sa 2.8% nitong Enero.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority – lumabas na mas mababa ito sa 3.9% na inflation ng Disyembre nitong 2023; at higit na mababa sa 8.7% na inflation noong Enero ng 2023.

Ito rin ang pinakamabagal na inflation na naitala magmula pa noong October 202 na mayroong 2.3%.

Ayon sa PSA – ang pagbagal ng inflation ay dulot ng mabagal na pagtaas ng presyo sa food and non-alcoholic beverages, housing and utitilities, at sa transportation.

Rice inflation nitong Enero, bumilis sa mahigit 22% ***HEADING

Patuloy ang gagawing monitoring ng National Economic and Development Authority o NEDA sa presyo ng bigas sa merkado at iba pang mga bilihin.

Ito’y matapos sumirit sa 22.6% ang rice inflation nitong buwan ng Enero.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na patuloy na susubaybayan ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang mga presyo ng bigas at iba pang bilihin upang mabigyan ang Pangulo at ang Gabinete ng napapanahon at angkop na policy recommendation upang matiyak ang matatag at abot-kayang presyo ng mga bilihin.

Posible ring magpatupad ang NEDA ng stop-gap measures kung kinakailangan para mabawasan ang magiging epekto ng El Niño, tulad ng pagpapa-hintulot sa karagdagang importation ng mga pangunahing bilihin.

Una nang nagpalabas ang Palasyo ng Malacañang ng Executive Order no.50 para sa extension ng mababang taripa sa mais, bigas at pork hanggang December 2024.

Nakipag kasundo rin ang Pilipinas sa Vietnam para sa pag supply sa atin ng hanggang dalawang milyong tonelada ng bigas kada taon sa loob ng 5 taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *