Inflation sa So.Cot, tumaas sa 6.6% noong Agosto

KORONADAL CITY- TUMAAS sa 6.6% ang headline inflation o annual rate ng pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga goods and services sa lalawigan ng South Cotabato sa buwan ng Agosto nitong taon.

Ito ay batay sa datos na ipinresenta ni Philippine Statistics Authority o PSA South Cotabato –Chief Statistical Officer Jilmar Grecia sa isinagawang data dissemination.

Inihayag ni Grecia na ang pagtaas ng inflation rate sa lalawigan ay bunsod ng mataas na annual growth ng housing, water, electricity, gas and other fuels na umabot sa sa 10.1%; food and non-alcoholic beverages sa 4.4%; at restaurant and accommodation services na pumalo sa 9.2%.

Nakadagdag din sa upward trend ng headline inflation ang mga commodity groups katulad ng health, clothing and footwear, at alcoholic beverages at tobacco products.

Ang inflation sa South Cotabato ay mas mataas kung ikukumpara sa 6.3% na inflation ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *