Info dissemination, agad na isinagawa sa bayan ng Libon, Albay matapos ang insidente ng pagkalason dahil sa pagkain ng “butete”

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Libon Municipal Police Station, Libon, Albay na agad na nagsagawa ng information dissemination matapos ang insidente ng pagkakalason dahil sa pagkain ng “butete” o puffer fish na ikinamatay ng tatlong katao sa Brgy. Tambo.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Executive Master Sergeant Maribeth Corporal ng nasabing himpilan, sinabi niya na sa nasabing kampanya, mahigpit na pinaalalahanan ang mga residente na kapag nakahuli ng butete, huwag na itong kainin para sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, ayon kay Corporal, ito ang unang beses na nangyari ang insidenteng ito sa kanilang bayan at umaasa silang hindi na ito mauulit.

Matatandaan, dalawang pamilya ang nalason nito matapos na ang isa sa mga biktima ay niluto ang nahuling butete nang hindi nililinisan at inalisan ng lamang loob na kinain din ng ibang miyembro ng pamilya.

Hindi naman nagtagal ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima at namatay ang tatlo sa mga ito, habang nagpapagaling sa ospital ang natitirang apat na miyembro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *