Infrastracture spending ng Pilipinas, lumago sa mahigit 1 trillion noong 2023

Iniulat ng Department of Budget and Management o DBM na lumago sa 1.02 trillion ang infrastracture spending at iba pang capital outlay ng bansa noong Enero hanggang Nobyembre ng taong 2023.

Mas mataas ito kumpara sa 861.8 billion sa kaparehong panahon noong 2022.

Ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang may pinaka malaking ambag sa infrastructure spending na sinundan ng Department of Transportation.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mahalaga ang government spending sa kabuuang pag unlad ng bansa.

Kaya’t para masuportahan ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya, dapat maipatupad ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga programa at proyekto alinsunod sa naaprobahang budget at itinakdang panahon.

Samantala ngayong 2024, naglaan ang pamahalaan ng 1.510 trillion para maipagpatuloy ang pagpapaunlad sa imprastraktura sa ilalim ng Build Better More program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *