Init ng panahon, hindi hadlang sa pagsali sa kompetisyon ng mga mag-aaral sa Sagñay, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Mainit man ang panahon, hindi ito naging hadlang para sumali at makapasok bilang kalahok ng Battle of the Wise ang mga piling mag-aaral ng Sibaguan Agro-Industrial High School sa Sagñay, Camarines Sur.

Unang kwarter pa lamang ng school year, pinaghahandaan na nila ang Battle of the Wise na kilala sa pinakamalaking kompetisyon ng mga paaralan sa Camarines Sur. Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ng English Teacher na si Cha Relativo, aminado siyang medyo nahirapan sila dahil limitado ang oras ng pagsasanay. Mula nang tumaas ang heat index sa naturang probinsya, tuwing alas-7 hanggang alas-10 ng umaga na lang ang pagbibigay nila ng face-to-face training sa mga kalahok.

Dagdag pa ng guro, ang hakbang na ito ay hindi lang ginawa para sa mga kalahok kun’di maging sa lahat ng mag-aaral ng Sibaguan upang sa susunod na taon, mas maging handa sila sa pagsabak sa mga kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *