Insidente ng karahasan sa Leyte, Zamboanga, hindi pa masasabing related sa eleksyon – PNP

Masyado pa raw maaga para i-ugnay sa 2025 midterm elections ang insidente ng karahasan sa mga opisyal ng barangay partikular sa Leyte at Zamboanga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, hindi pa ma-classify ang mga ito bilang election-related incidents dahil hindi pa naman filing ng certificate of candidacy at hindi pa election period.

Pero pagtitiyak ni Col. Fajardo sa pamilya ng mga biktima na ginagawa ng pulisya ang lahat para maresolba ang insidente.

Maaalalang,pinagbabaril-patay ng apat na suspek ang Bgy. Chairman, Kagawad at Tanod sa Bgy. Daja-diot, San Isidro, Leyte nitong Feb 24.

Mayroon nang 2 persons of interest dito ang pulisya.

Samantalang binaril-patay din ang isang kapitan sa Barangay Seaside, Zamboanga City noong Feb 25.

Nauna nang sinabi ng pulisya na target nilang mapababa ang ERIs sa susunod na eleksyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *