Insidente ng motornapping sa Camarines Norte tumaas sa pagsisimula pa lang ng 2024 ayon sa HPG

CAMARINES NORTE – Tumaas ang insidente ng motornapping o pagnanakaw ng motorsiklo sa Camarines Norte sa pagsisimula pa lang ng 2024.

Ayon sa Philippine National Police Highway Patrol Group anim na insidente ng motornapping agad ang naitala pagpasok ng 2024 kumpara sa tatlo lang noong 2023.

Noong Biyernes dalawa ang naaresto ng HPG dahil umano sa pagnanakaw ng motorsiklo.

Ang mga suspek ay parehong residente ng Labo, Camarines Norte.

Kwento ng may ari ng motorsiklo na baker sa isang bakery sa Barangay Kalamunding ng nabanggit na bayan, nagising siya dakong alas 5 ng umaga noong Biyernes at dito niya napag- alamang nawawala na ang kaniyang motorsiklo na pinaniniwalaang ninakaw habang ito ay nakaparada.

Habang nasa kanilang tahanan ang biktima sa Barangay Dancalan, Paracale upang kunin ang OR/CR ng kaniyang  motorsiklo dakong ala una ng hapon parehong araw, nang maispatan nito ang kaniyang motorsiklo na ginagamit ng dalawang suspek.

Kasama ang kaniyang asawa, sakay ng motorsiklo ay sinundan nila ang dalawang suspek hanggang makarating sa bahagi ng Barangay Tabas at dito na sila humingi ng tulong  sa mga Barangay Tanod at personnel ng HPG na nagsasagawa ng motorcycle patrolling sa lugar.

Nahuli ang mga suspek at sa pag- iimbestiga ng HPG ay itinuro ng isa mga ito ang isang personalidad na siya umanong nagbenta sa kanila ng nabanggit na motorsiklo sa halagang P3000,00 bagay na itinanggi naman ng huli.

Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Kaugnay nito ay pinaigting pang lalo ng HPG ang kanilang kampanya kontra carnapping.

Sa katunayan laman lagi ngayon ng kalsada ang mga tauhan ng HPG hindi lang para sa anti- carnnaping campaign kundi para na rin masiguro na ang mga motorista ay sumusunod sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *