Insidente ng sunog, mas tumaas kaysa noong nakaraang taon

Mayroong 25% na increase sa bilang ng sunog mula sa datos noong nakaraang taon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Bureau of Fire Protection Spokesperson Fire Senior Supt. Annalee Atienza, sinabi nitong tumaas sa 5,033 ang naitalang sunog hanggang ngayong araw.

Mas mataas aniya ito sa mahigit 4,000 na insidente ng sunog noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Atienza, marami pa ring gawain ang pinagmumulan ng sunog.

Kasabay ng dumadalas na sunog sa mga kabahayan at bulubundukin, ipinaalala muli ng opisyal na maging mas alerto lalo na’t mainit ang panahon.

Inabisuhan din niya ang publiko na makipag-ugnayan muna sa mga kinauukulan bago magsagawa ng iba’t ibang aktibidad sa mga protected areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *