Insidente ng sunog sa Naga tumaas na rin!- BFP

NAGA CITY- Tumaas ang insidente ng sunog sa Naga City kumpara noong 2023.

Ito ay ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Naga. Sa datus ng BFP, sinabi ni City Fire Marshal  CInsp Marc Allan Consuegra, nabanggit na noong 2023 , lima ang naitala mula Enero hanggang matapos ang Pebrero pero ngayon 2024 hindi pa nga natatapos ang Pebrero, pito na kaagad. Halimbawa nito ang nangyari sa isang kilalang café sa Pacol, pagkasunog ng dalawang bahay sa Concepcion Grande at Concepcion Pequeña at pati ang nangyari nitong Lunes Pebrero 25 sa Spokoi Sabang na pitong mga kabayahan ang nasunog.

Ayon kay Consuegra, hindi silang magsasawa na mag paalala sa publiko ng mga hakbang o aksyon upang maiwasan ang sunog dahil ito ang kanilang mandato.

Lalo pang nagiging alerto ang BFP ngayong papasok ang Fire Prevention Month at posibleng epekto ng El Niño Phenomenon. Una nang sinabi ng BFP CamSur na sa lalawigan na mahigit 400% ang itinaas ng insidente ng sunog sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *