Insidenteng sa WPS sangkot ang China, hindi na normal – PH Navy

Hindi na normal ayon sa Philippine Navy ang sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi Phil. Navy Spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad kasunod ng insidente sa Ayungin shoal.

Paliwanag ni Trinidad, ang ginawang militarisasyon ng China sa WPS ay ang sitwasyon na kailangang harapin ng Philippine Navy , Western Command, at Naval Forces West na nag-ooperate sa WPS.

Tiniyak ng opisyal na handang harapin ng Phil. Navy ang hamong ito at tapat na ipatutupad ang kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi isusuko ang teritoryo ng bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y matapos magkaroon ng minor ammendments sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *