Inspeksyon sa patubig ng nia-mariis, tinututukan

Regular na nagsasagawa ng inspeksyon ang National Irrigation Administration- MARIIS upang matiyak na maayos ang daloy ng pinapakawalang tubig para sa wet cropping season 2021 ng mga magsasaka.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nagsimula ang patubig ng ahensya noong May 24, 2021 at ngayon ay nasa ikatlong linggo na ito sa pagpapakawala ng tubig.

Sa pangunguna ni Acting Department Manager Engr. Josue   Sabio ay nagpapatuloy din ang inspeksyon sa mga nagawa na at kasalukuyan pang ginagawa na irrigation canals upang masiguro na makararating ang tubig sa mga sakahan.

Personal namang nagtutungo si NIA-MARIIS Division IV Engr. Carmelo Salvador sa mga irrigation canal sa kaniyang nasasakupan upang tutukan ang estado ng patubig sa mga sakahan.

Ito ay isa sa mga hakbang ng ahensya upang malaman kung nakakasapat ang Irrigation Diversion Requirement (IDR) na kinakailangan ng mga magsasaka.

Tiniyak naman ng NIA-MARIIS Division IV na sumusunod ang mga magsasaka sa kanilang farming calendar kung saan 97% o katumbas ng 15,729 ektarya ang “under land soaking” habang 2,732 ektarya naman ang “under land preparation”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *