Instant abs sa tulong ng tattoo, posible na kahit hindi magworkout

Hangad mo bang magkaroon ng abs na hindi na dadaan sa workout at pagpunta sa gym?

Huwag ka nang mag-alala dahil kamakailan ay naging posible ito sa Manchester, England  kung saan instant na nagkaroon ng 6 packs abs ang isang kliyenteng hindi na pinangalanan sa tulong ng isang tattoo.

Naging challenging umano ito sa tattoo artist na si Gunther dahil sa mayroon na rin umanong sumubok na gumawa ng tattoong abs ngunit hindi ito makatotohanang tingnan.

Umabot ng dalawang session ang proseso ng pagtattoo dahil sa medyo mahirap at komplikado umano ang disensyong ito.

Ngunit, hindi ito naging problema sa kliyente dahil kung tutuusin ay ito na ang pinakamabisang paraan na bukod sa makatotohanan itong tingnan, hindi na rin kailangang pumunta sa gym at magworkout. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *