Integration bilang miyembro ng PNP – malaking hakbang sa Bangsamoro Peace process

Itinuturing umanong malaking hakbang sa isinusulong na peace process sa Bangsamoro region ang integration bilang miyembro ng Philippine National Police ng 294 na mga dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.

Sa isang pahayag sinabi ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., makasaysayan ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong pulis mula sa dating mga rebelde ay mga peacekeeper na ngayon.

Ito rin umano ay simbolo ng commitment ng pamahalaan, MILF at MNLF na isulong ang kapayapaan sa Bangsamoro.

Ang mga bagong miyembro ng PNP ay itatatalaga sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *