Inter-agency body na nakatuon sa pagresolba ng inflation, ipinag-utos ni PBBM

Nais bumuo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng inter-agency committee na siyang aatasang tugunan ang inflation, at pagbutihin ang mga inisyatibo para pagandahin ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakasaad sa nilagdaang Executive Order No. 28 na ang  Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) ay magsisilbi bilang advisory body sa Economic Development Group (EDG), dahil kailangang matiyak ang integration ng mga programa, activities, at priorities patungo sa matibay na ekonomiya.

Ipinaliwanag din sa kautusan na ang pagbuo ng IAC-IMO ay makapagpapalakas sa EDC, at makapagpapatupad ng mga existing government initiatives na naglalayong mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Mababatid na lumago ng 6.4% ang ekonomiya ng Pilipinas mula January hanggang March 2023.

Higit na mas mabagal ito sa 8% growth rate na nakita noong unang quarter ng 2022, at higit ding mas mababa sa downwardly revised 7.1% growth na naitala noong ikaapat na quarter ng 2022. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *