Interagency Task Force ‘Tigil-Pasada’ – handa na sa panibagong transport strike

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDS) na walang pasaherong maii-stranded sa kasagsagan ng panibagong tigil-pasada ng grupong PISTON at MANIBELA bukas.

Ayon kay MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, walang babaguhin sa latag ng paghahanda hinggil sa naka-ambang tigil-pasada.

Aniya lahat ng local government at local traffic units ay naka on board para kung sakaling magkulang sa sasakyan ay marerespondehan agad.

Aabot sa humigit-kumulang 800 sasakyan ang naka standy para sa libreng sakay.

Kaugnay nito, tututukan din ng MMDA ang trapiko bukas para siguraduhing hindi makakasagabal ang gagawing protesta sa mga motorista.

Paalala naman ni Lipana sa publiko, na wag mag atubiling lumapit sa kanila kung kailangan ng assistance para sa matugunan ang pangangailangan ng mga mananakay.

Kung matatandaan, inanunsyo kahapon ng grupong MANIBELA , na muli silang magsasagawa ng malawakang kilos-protesta upang muling tutulan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *