IOC, tinanggihan ang kahilingan ni Pacquiao sa Paris Olympics

Hindi tinanggap ng International Olympic Committee (IOC) ang kahiligan ni Manny Pacquiao na makilahok sa 2024 Paris Olympics.

Kinumpirma ito ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos makatanggap ng pormal na liham mula sa IOC na nagbabawal sa eight-division world champion sa Summer Games.

Maalalang umapela si Pacquiao sa IOC dahil lagpas na siya ng limang taon sa age limit.

Idinagdag ng POC na hindi rin maaaring maging kwalipikado si Pacquiao sa Olympics sa pamamagitan ng Universality rule, na iginagawad sa mga pambansang atleta na hindi na dadaaan sa normal na qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *