Ipinadalang subpoena laban kay Quiboloy, natanggap na

Kinumpirma ng komite ni Senadora Risa Hontiveros na natanggap na ng kampo ni Apollo Quiboloy ang kanilang ipinadalang subpoena.

Ito ay matapos ang hindi nito pagdalo sa mga naunang pagdinig tungkol sa kanyang kinasasangkutan na kaso ng large-scale human trafficking, rape, sexual abuse at child abuse.

Base sa dokumento, ang counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Marie Dinah Tolentino Fuentes ang nakatanggap ng subpoena.

Maalala, ayon kay Hontiveros kung sakaling hindi na naman sisipot si Quiboloy sa darating na pagdinig sa March 5 ay ipapa-contempt niya ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *