Ipinamimigay na health allowances para sa mga health workers, exempted sa money ban ng COMELEC ayon sa DOH

Exempted sa money ban ng Commission on Election (COMELEC) ang ipinamimigay na health allowances para sa mga health workers, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito’y sa pamamagitan ng DOH declaration 2023-0439 na pinirmahan ni Health Usec. USEC Carolina Vidal-Taiño na layung matiyak na makukuha ng mga health workers ang kanilang inaasahang allowance.

Laking tuwa naman ng Alliance health workers sa good news ng kagawaran ng pangkalusugan na tinitiyak na matatanggap ng mga karapat dapat na empleyado ng mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa ang nsabing tulong pinansyal.

Kung maalala, nagbaba ng money ban ang Comelec dahil sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) kung saan una ng na-atrasado ang pamamahagi naman ng fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong mga nakalipas na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *