Ipinasang compliance at legal justification ni Quiboloy, hindi umano ‘satisfactory’

Tiniyak ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na binasa’t inusisa nilang mabuti ng kanyang legal team ang ipinasang compliance at legal justification ni Quiboloy nitong nakaraang Biyernes.

Ito ay matapos ang apatnapung walong oras na panugit na ibinigay ng Senado sa kampo ni Quiboloy upang sumagot sa show cause order na inihain sa kanya.

Ayon kay Hontiveros, isinaalang-alang nila sa kanilang pagbabasa ng dokumento ang due process para sa nasasakdal at maging ang pagtitiyak na mapoprotektahan sa anumang dilatory tactics ang institusyon ng Senado.

Kaugnay nito, ibinahagi ng senadora na iisang bagay lang ang malinaw nilang nakita rito at ito ay hindi ‘satisfactory’ ang ibinigay na dahilan ng partido ni Quiboloy.

Ito ay dahil puro rehash lang sa dati nilang argumento ang kanilang ginamit na pawang nasagot na umano ng senadora tulad ng walang ‘in aid of legislation’ ang ginagawa nilang pagdinig at incriminatory ito.

Maalala, bilang pagpapakita ng ‘courtesy’ o paggalang ni Hontiveros kay Padilla ay naghain siya nitong nakaraan ng show cause order laban kay Quiboloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *