IPMRs sa So.Cot umapela na tigilan na ang pambabatikos at deskriminasyon kay Kagawad Bantal

KORONADAL CITY- SOBRA na at hindi na tama ang mga komento ng mga netizens laban kay Kagawad Lef Bantal ng Barangay Ned, Lake Sebu. Ito ang inihayag ni Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR Board Member Edgar Sambog.

Ayon kay Sambog na below the belt na ang paninira at deskriminasyon kay Kagawad Bantal dahil itsura at pagkatao na nito bilang IP ang inaatake ng mga netizens at ilang komentarista sa radyo.

Kaugnay nito, umapela si Sambog sa mga netizens na tigilan na ang pag-bash kay Bantal at nagbabala na gumagawa na sila ngayon ng mga hakbang upang masampolan ang mga ito at masampahan ng kaso kaugnay sa cyber bullying.

Nagpahayag din ng suporta si Lake Sebu IPMR Leo Tang kay Kagawad Bantal at inihayag na ang pagpapaabot ng reklamo ni Kagawad Bantal kay Raffy Tulfo ay isa lamang sa inisyatibo nito upang mapabilis ang pagsasaayos sa kalsada sa Sitio Blit at wala itong intensyon na ipahiya ang gobernador o ang kongresista.

Si Kagawad Lef Bantal ay binabatikos dahil sa pagdulog nito sa programa ni Raffy Tulfo kaugnay sa problema sa kanilang daan sa Sitio Blit, Barangay Ned.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *