Irosin, may pinakamaraming akreditadong hotel at resort

Nasungkit ng bayan ng Irosin ang Top 1 ngayong taon pagdating sa Accommodation Sector, bilang mayroong pinakamaraming DOT Accredited Hotel and Resort sa probinsya.

Sa resulta na inilabas ng Department of Tourism  (DOT) Bicol sa peryodo hanggang ngayong buwan ng Hunyo, nakakuha ang nasabing bayan ng 28.57%, sinusundan naman ito ng Lungsod ng Sorsogon sa 26.19%.

Nasa pangatlong puwesto naman ang bayan ng Donsol na may 19.05%, 7.14% an Bulusan habang parehong nakakuha ng 4.76% ang mga bayan ng Pilar at Gubat.

Sa kasalukuyan ay mayroong 11 na approved hotel/resort ang bayan ng Irosin, 6 ang waiting for confirmation, 5 ang kailangan i-register, 3 ang nakalinya para sa inspection, 2 para sa renewal, at 2 ang kasalukuyang naghihintay ng mga bag-ong guidelines mula sa DOT.

Patuloy rin ang LGU sa kanilang pagsisikap na ma-accredit na rin ang iba pang mga tourism site sa bayan na hindi pa rehistrado.

Mababatid na mula Enero hanggang Marso ngayong taon ay nakapagtala ang bayan ng 67,140 total tourist arrival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *