Isa na namang taga Camarines Sur Top 10 sa Criminologist Licensure Examination

CAMARINES SUR- Nagbunga ang paghihirap ng isip, katawan at pati pinansyal; hindi lamang pagkakapasa sa 2024 Licensure Examination for Criminologist kundi pagiging isa pa sa Topnotchers.

Ito ang kuwento ng 24-anyos na si Russel Roslin Abes ng Pamplona, Camarines Sur na nagtapos sa Naga College Foundation at Top 10 sa Criminologist Licensure Examination. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Abes, sinabing nagsisigaw sa tuwa at pagpapasalamat ang kaniyang pamilya nang malaman ang resulta.

Kuwento pa nito, dating magsasaka ang kaniyang ama, retired midwife naman ang ina. Tinutulungan sila ngayon ng mga kapatid at mayroon pang sinasaka.

Payo nito sa mga estudyante, magtiwala sa Dios at sa sarili huwag ring makakalimot na magpasalamat lalo na sa mga nagsuporta tulad ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *