Isa pang harassment ng China gamit naman ang kanilang chopper – kinumpirma ng PCG

Hi-narass ng Chinese Navy helocopter ang mga Pilipinong researchers na nasa sandbars ng Pag-asa Island.

Hiwalay pa ito sa ginawang muling pambobomba ng water cannons ng China sa resupply mission ng Pilipinas.

Sa ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, lumipad nang hanggang sa mababang 20-metro ang People’s Liberation Army Navy chopper na may tail No. 57.

Malapit na malapit ito sa mga Filipino researchers na nasa Cays 3 and 4 ng naturang isla.

Kaugnay nito – ipinatawag na ng Department of Foreign Affairs (DFA) Charge d’affaires ng Chinese Embassy.

Sabi ng DFA, ito raw ay para pagpaliwanagin ang China, at idiin ng Pilipinas ang malakas nitong protesta laban sa naturang aggression at harassment nila sa RORE mission sa Ayunign Shoal.

Magla-lodge din ng hiwalay na demarche ang Philippine Embasse sa Bejing, sa Chinese Foreign Affairs Ministry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *