Isa pang lalaki na kukuha ng police clearance, napag-alamang wanted

Hindi na nakalabas sa One-Stop-Shop Building sa Kampo Crame ang isang lalaki na kukuha sana ng police clearance matapos mabisto na wanted pala ito sa isang kaso.

Ayon kay PNP- Directorate for Investigation and Detective Management OIC PBGen. Rodolfo Castil, inaresto ang suspek kahapon matapos maberipikang may warrant of arrest ito na inisyu ng Regional Trial Court Branch 38 sa San Jose City, Nueva Ecija, dahil sa paglabag niya sa RA 8282 o Social Security Law.

Maaalalang, nauna nang naaresto ang isa pang lalaki na nabisto rin sa kasong paglabag sa RA 10591 matapos tangkaing kumuha ng Police Clearance

Ayon sa DIDM, ang National Police Clearance ay isa lamang sa mga magandang programa ng PNP upang mahuli ang mga wanted persons sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *